
napakasarcastic ng title ko. Ganyan ata talaga pag nagkasakit ka ng
HELLWEEK. Nako pagnakita niyo lang ako kahapon, pandidirian niyo ko pramis.
Sinasamantala ko itong oras na to para gayahin ang ginawa ni ate abi at ni kuya bill sa kanilang multiply blog.
Unang-una: 2007 midyear review.
Nang pumatak ang 12mn noong January 2007, lahat kami ay looking forward sa taon. YEY bagong taon, bagong buhay, bagong pagsusubok, bagong pagkakataon, bagong..well LAHAT BAGO! Di namin nakita na pati bagong 'trahedya' eh papatak rin sa amin.
Opo mga kaibigan, ang kuya ko ay namatay. Ang gandang simula diba? Di lang ito nakaapekto sakin/samin pero 'it changed everything'. Bagama't nawalan ako ng isang kuyang hindi mapapantayan at mapapalitan eh nagkaroon kami ng instant 8 kuya na naging parte na ng aming buhay. Oo, aaminin ko na ang 8 yan ang patunay kung bakit 'medyo ok' pa ako sa mundong ginagalawan ko. Salamat salamat. God has ways to comfort us. :D

Matapos ang trahedya eh dumating na ang summer, kung saan nagpunta ako, si nicki at si ate abby sa Singapore. Nako basahin nyo yung previous posts ko about sa Singapore. MAJOR HANGOVER dahil sobrang ganda don. In fact gusto ko rin tumira don kahit super stressed na ang mga tao don. SO? MAGANDA NAMAN DON. hahaha Kinailangan ko talaga yung bakasyon na yun to divert my broken, dried-out soul. Maybe God had (has?) already planned this from the start of 2007 palang. Hehehe

Kung yun ang first of summer ko syempre may last of summer ako with teh boyband + family at Punta Fuego. AAAAH The beach. Nothing says summer like THE BEACH. (ha ano raw?) Ah you get the point. Masaya at malungkot rin noong andun kami. *sigh* oo syempre ganyan talaga...
Matapos ang last of summer eh back to reality nanaman dahil pasukan nanaman. ONE MORE YEAR TO GO graduate na kami. OHYESH. Pahirap na ng pahirap ang ginagawa namin at akalain mong 3 buwan lang para makatapos ng:
[x] isang fully functioning na system
[x] paper tungkol sa difference ng expurgated at unexpurgated versions ng noli at fili
[x] isang poverty reduction site para sa Pilipinas
[x] isang flash application na gagamitin ng mga preschoolers
AT
makapag-aral at makakuha ng matataas na grado tungkol sa statistics at discrete mathematics
OHA. Saan ka pa?
At oonga pala, namention ko bang NAGKAROON AKO NG SAKIT (trangkaso) etong hellweek? Oo ang galing talaga tumay-ming ng sakit ko. Dati pa siya ganto. Galing niya no? Palakpakan naman diyan! Hhahaha
Ohwell masasabi kong..... steady pa ang 2007 kahit may nangyaring di kaaya-aya sa amin. Eh ganon talaga ang buhay diba? Tanggap nalang ng tanggap. :D
+++++
Ngayon naman, gagayahin ko si kuya bill.
MGA TAONG NAMIMISS KO! Basahin ninyo ito!
Bushygirls- Hoy! bagama't nagkita tayo 2 weeks ago eh gusto ko lang sabihin na miss ko na kayo kagad... at hindi kasi tayo kumpleto noon kaya sana... kahit isang beses lang eh makumpleto tayo. HAHA. Inuman uli? GAME!
Boyband- Wala nang masyadong nagpaparamdam sainyo. Naiintindihan ko naman dahil ako rin minsan lang magparamdam. Hahaha isipin nyo nalang na tuwing sabog ka eh alalahanin nyong
MAS SABOG AKO SAINYO.
Lovejoy Crew- Aliah, PatFlo, Orange. Nandito pa ba si Patty? Wala na ata eh. Di ko na kayo nakakasama. Ang huli nating pagkikita ay noong October pa at nanood tayo ng the emperor's new clothes. OHA bakit ko yon alam? DI ko alam.
FLYING V- HAHAHA Nicki at Ate Abi, di pa tayo nanonood ng Simpsons. So kelan na tayo manonood? NICKI yung cruel intentions andito parin inaagiw na. HAHAHA Chaka di ko pa nalalaro yung wii, nako baka di ko na uli yan mahawakan. Kaya dapat bumili na tayo ng wii. HAHA fweeeee~
Jamming to: Love Today- Mika
Today's mood: SICK