break po muna sa pag-aaral ng orgbehv (aral? parang tinignan ko lang kung gumagana lahat nung na-dl kong slides. HAHA) kasi gusto ko lang mag-update. :)
first of all:
God truly is an awesome God (title ata ng multiply ni glenn. hehe)
1]
Defense grade: Though di talaga namin ineexpect yung grade (swear 50 something lang yung ineexpect namin), masaya kami dahil kahit bagsak siya eh kahit papaano eh nakakagaan ng feeling dahil from 58 (sysdev1 defense) ay naging 68 kami. baby steps nga talaga siguro, pero ganon talaga, at least natututo kami sa mali namin at kahit nagkasakit ako the week before pasahan ng sysdev ay napull-off namin yun. :D
2]
Threesome: NO di ito bastos.. 2 of my (really) close friends from highschool visited me in lasalle kanina. :) Saya naman kasi sila lang talaga nag-effort (after what, 2 years?) magpunta sa dulo ng manila para lang bisitahin ako. Plus di lang yun, sila yung mga taong game sa mga sudden gimiks tulad nung friday. Nagpunta kaming mocha blends para lang kumain ng bread at uminom ng hot chocolates kasi lakas ng ulan hahaha. Akalain mo namang binibiro ko lang sila magmocha blends pero sineryoso naman nila. Nagpunta pa kaming Ever after non para 'mag-shopping' tas tambay sa bahay pagkatapos. AKALAIN MO RING NATULOG SILA SA BAHAY hahaha wala silang dalang damit so kung ano suot namin nung friday yun parin suot namin nung sabado (dinamayan ko lang sila HAHA). DI DON NAGTATAPOS ANG LAHAT! Nanood pa kami ng sine dahil nagyaya ang tatay ko ODIBA. Halos 2 araw na kaming magkasama. ANG SAYA SOBRA. :) GRABE EXAG OA SA SAYA.
3]
Laughtrip sa mga pictures: Maraming pictures sa laptop ni stacey. unang-una ay dahil ni-scan niya yung mga contact prints ng mga tao. pangalawa, naka-compile talaga sa flash niya lahat ng debut pics ng s15. walalang. sarap lang tumawa kasi nakakasakit ng panga at chan pati nakakarelease rin ng stress. Pampaalis ng problema lalo na sa kaspil1. odiba san ka pa dun pa ako namoblema!
Nakakainis lang kasi talaga yung kaspil.... at isama na rin pati sysdev. EWAN KO BA, nakakadepress talaga yung dalawang subjects. Alam nyo yung feeling na ok lang pumasa pero sa loob-loob mo eh iniisip mo na "SYET BAKIT ANG BABA? KUNG NAG-ARAL LANG AKO MABUTI EDI SANA MATAAS PA MAKUKUHA KO DITO." It's entirely all my fault kasi nagtatamad-tamaran parin ako pero di nyo rin ako masisisi kasi malungkot parin ako. Madalas pa rin akong bangag at tulala sa kalawakan (may pinagkakaabalahan na ako niyan ah, isipin nyo nalang kapag wala talaga ako ginagawa i.e: natutulog), iniisip ko parati yung kuya ko- kung pano niya nagawa yun, kung bakit di siya nagsalita, kung bakit nagawa niya kaming iwan, kung bakit di ko siya naging close, kung bakit.... as in lahat na! Tas yun pa nga sabay mo pa iniisip kung paano ka papasa sa kaspil kung saan kelangan lalim ka mag-isip, at sa sysdev kung saan maluluto utak mo kakaisip kung tama ba naman yung mga pinaggagagawa mo. Ewan iniisip ko talaga minsan parang: "astig, nasusurvive ko ito kahit ang rami ko nang iniisip!" (ang weird pero oo, sorry na kelangan lang talaga pampastrengthen ng loob)
Nako sa haba ng sinabi ko dun di ko alam kung may magbabasa pa nung paragraph na iyon. HAHA :)
Ohwell, lahat nangyari na. Wala na rin akong magagawa kundi tumanggap nalang at magpasalamat pa rin sa Diyos kasi tinutulungan niya akong maging matatag sa 'darkest hours' ng buhay ko.
Sino ba nagimbento ng smileys? AMP. hahaha parang wala sa lugar yung smileys ko.
Jamming to: With Love- Hilary Duff (kicks LA LOHAN'S ASS... that is if she has one. LOL)
Today's mood: ewan ko ba!