Shet di ko na to kaya. Wala na talaga ako sa mood gumawa pero kelangan kong gumawa.
Bale isshare ko lang to. Pinost ni gela to sa Livejournal. heheh ALIW :D
Naaalala mo ba... :D
-nangongolekta ka ng text at pog -HAHA oo sobra. HOY PATFLO. THE DAYS!
-kumakain ka ng aratilis
-gumagamit ka ng piso pang-katok sa gate ng kapit-bahay, at ang sinasabi mo, "tao po!"
-ganito rin ginagawa mo 'pag bumibili ka sa tindahan, at ang sinasabi mo naman ay "pabili!"
-sumasali ka sa Santakrusan
-kung lalaki ka, naging escort ka
-gusto mong sumali sa little miss philippines GUILTY. HAHAHA AMP
-nanonood ka ng marimar, esperanza, mula sa puso, mara clara, valiente at T.G.I.S. kasama ang yaya mo
-takot ka dun sa lalaki sa valiente na sunog yung mukha
-love team mo sina angelu at bobby -> HAHAHA
-nagpependong peace ka 'pag nakakakita ka ng beetle na kotse o ng kalbo-naglalaro ka ng langit-lupa, 10-20, habulan, taguan at bahay-bahayan
-sumisigaw ka nang "time out!" bago ka tayain HAHAHAHA nakakainis pag ganon eh no pero guilty ako nyan!
-palaging taya yung ayaw niyong kalaro, kasi may germs siya
-sinusubaybayan mo ang buhay nina cedie at sarah
-pinanood mo sa sine ang "sarah, ang munting prinsesa" ni camille prats HAHAHA angelica panganibaaaaaan ahahaha walalang
-'di ka nagsasawa sa kakanood ng VHS mo ng jungle book, lion king or kung ano pang disney -- ako betamax pa at laser disc san ka pa!
-nanganganak yung kisses mo na psychological lang ata dahil hindi naman.
-pinipisil mo yung tiyan ng mga troll, tapos nagwiwish ka
-maraming buttons na nagbubukas ng maraming compartments yung pencil case mo
-may sticker album ka, at nagtetrade kayo ng kaklase mo
-uso ang autograph book, at ang mga sagot mo ay "love is blind" sa describe love, "judge me" sa describe yourself, ang motto mo ay "try and try until you succeed," at ang una mong nilalagay sa dedication ay "t.y. for letting me sign in your autograph book!" AY OO o kaya nilalagay mo Love is a four letter word. HAHAHA BADUY
-nagsusulatan kayo ng mga kaibigan mo at sinisimulan mo ang mga ito ng "hi, hello, above and below!"
-ginagamit mo ang mga acronyms na M.T.M. (many to mention), T.M.T.M. (too many to mention), J.A.P.A.N. (just always pray at night), I.T.A.L.Y. (i trust and love you), H.O.L.L.A.N.D. (hope our love lasts and never dies) at P.A.R.I.S. (please always remember i'm sincere)-sumali ka sa 5 and up o sa i club
-nagbirthday ka sa science works
-pumupunta ka sa kids' rosary sessions ng village niyo tuwing summer, kasi nagbibigay sila ng candy pagkatapos
-akala mo yung barbie para sa girls at si ken yung sa boys
-pinapalipad mo ang sky dancer mo, at pataasan kayo ng mga kaibigan mo-nag-oovernight ka ng gamit ng kaklase mo HAHA cholita.. yung polly pocket ko!
-pinangalanan mo ang mga aso mo according to color (i.e. white - whitie, brown - brownie, black - blackie)
-adik ka sa brick game
-pinag-aagawan nila si pink ranger, kaya naging yellow ranger ka na lang
-palagi mong dinodrawing si sailor moon
-kabisado mo ang sayaw na macarena, shalala lala, "get down" ng backstreet boys at "5-6-7-8" ng stepsBEST OF ALL: naaalala mo pa ba nung nahuhulaan mo palagi yung kulay ng panty ng kaklase mo? AYY OO THE BEST TO: Tatanong mo yung age niya para mahulaan mo yung kulay ng panty. HAHAHA PERO WAG KA, pag ginagawa ko yun may nakikita talaga akong kulay. SERYOSO!
Jamming to: NAKO wala.
Today's mood: TAMAD as usual