alam kong sinabi ko sa sarili ko na alas ocho mag-aaral ako..
pero dahil hindi talaga umiiral sa sistema ko ang pagpaplano, nandito paren ako sa harap ng computer't nag-uupdate.
kahit ilang beses ko nang nailabas ang sama ng galit ko, kelangan ko paring itaktak dito sa blogger ko yun...
Nagpapartee ako sa bahay nung sabado. excited ako syempre kasi after 7months chaka uli kami magkkita ng mga highschool friends ko. naplano ko na sa utak ko na di ako mag-aaral ng araw na yun. basta free time ko yung sabado kasama ang mga kebigan ko.
so mga alas-siyete sila nagsidatingan. okay pa nung una- masaya kami, kumain ng lasagna ng nanay ko at nagkwentuhan about sa college.
pero after talaga ng dinner, sumama ang loob ko. iniwan ko kasi ang mga kabarkada ko dahil nga sinamahan ko yung iba kong kaibigan sa may guesthouse kasi nanonood sila ng cold mountain. mga 30mins lang naman ako nawala...
paglabas ko, nandun sila naka-upo dun sa may sofa...
ako: hoy, anong ginawa nio?
sila: nag-picture2~!
ako: *taas kilay* bakit di nio ko sinama?
sila: eh nandun ka kasi sa loob nanonood eh..
baket? porket ba nandun ako sa loob di ba ko pwedeng hugutin dun at yayaing magpicture-picutre? gusto ko na silang pagsasapakin dun, pero dahil nga aking ipinagdiriwang ang aking kaarawan, kinuha ko nalang yung digicam sa kwarto ng nanay ko at....
ako: tara picture-picture uli tayo..kasama naman ako!
sila: hmm...mamaya nalang! pagod na kami eh!
nakakainis talaga. baket sila ganun? BIRTHDAY PARTY ko nga eh. I'm supposed to be the star of the night! o sige, pinalipas ko parin yun. So nagkkwentuhan na...actually tawag nila 'open forum'. okay sige open forum...edi ako naman magkkwento nung nangyari bout sa party ko last week....
ako: okay so ganito kasi nangyare edi diba nga pumunta dito blockmates ko last week...
hazy eyes: oi pakinggan nio toh oh, ang cute!
*lahat ng attention nalipat sakanya*
natulala nalang ako. ANO BA, salamat talaga hazy eyes ah. Bingi ka ba? Nagkkwento kasi ako eh lam mo yun, kasi gusto kong i-share sainyo yung nangyare nung bertday ko talaga. ayun, after nun puro mga mahal nila sa buhay ang kinukwento nila. 4 nalang kaming natira nun. silang 3 may mga bfs, at ako...ako, wala. Salamat sa pakikisama...
hazy eyes: o kelan kayo huling nagkita ni [insert bf's name here]
siya: ahm nung last week pa nung september kasi busy kami eh.
hazy eyes: o kaya mo yun? ako nga di ko kayang di makita si [insert bf's name here] ng isang araw eh...
....walang hiya. siya talaga ang pinakanagbago sa amin. di niya parin tinitigilan yang BF nia. oo na, siya na ang pinakaperfect na nilalang sa mga mata mo pero pakialam ko ba sakanya unang-una.....oo!! paki ko? PARTY KO KASI yun. WAla akong panahon sa BF mo ulupong ka talaga! pangalawa, kelan naman naging oxygen ang lalaki ha at di mo kayang di makita yung oh-so wonderful mong bf?
i hate you. nang umalis silang lahat si hazy eyes na talaga ang pinakaayaw ko. burn in hell. burn in hell with your bf. bahala kayo sa buhay nio. simula ngayon, ayaw na kitang makausap...
ayaw na kitang makita...
ayaw na kitang makatext...
ayaw na kitang maalala...
AYAW KO NA SAYO
EVER!Badtrip na talaga ako nung hating gabi! Naka-busy sign ako sa YM. Di ako nakikinig sa iPod ko...... wala! Tinignan ko lang LJ ko at inisip ko kung gaano ko sila kinaaasaran [well di naman silang lahat...]. DI lang itim ang paningin ko kundi PULA na rin. PULA. i hate them. i hate YOU.
ganun. ganun ang galit ko sakanila....
salamat talaga sa blockmates ko....sana di rin nila ako iiwan. sana di nila rin ako pagpalit sa bf/gf nila dahil ganun na nga ang ginawa ni hazy eyes. pinagpalit ako. pinagpalit nia ang 5 taong pagsasama sa 1 taong pag-iibigan [naks!]
IT'S HER LOSS. NOT MINE. Don't come running back to me pare, kung di mapapatay talaga kita i promise!
so dahil nga nagpapasalamat ako ng husto sa blockmates ko, gagawa ako ng blogger layout na sila ang pictures...
ERGH, gusto ko na umuwi para gumawa ng layout! hehehe...:p
Jamming to: My Sacrifice ng Creed
Today's mood: galit. galit. GALIT. I HATE YOU TALAGA.