at hindi ko kinakanta yung J-O-Y, Joy in my heart. Cold and empty nga yung puso't kaluluwa ko eh.
Kahapon ko lang talaga naranasan ang deep deep depression. I've never sank THAT low in my whole life! Grabe, parang unti-unti akong nagiging abo....di nga abo eh, ERE pare. ERE=AIR. Oo, parang di ko na talaga alam yung nangyayari sa mundo kasi wala namang nagsasabi sa akin at wala namang paki-alam yung mga tao sa akin eh.
Bakit ganun, meron ka namang puso't kaluluwa para makinig sa kanila ngunit di ka naman nila pinagkkwentuhan. Hindi ba't ang isang kaibigan ay nandyan para makinig sa iyong mga kwento kahit pa nakokornihan ka o di mo talaga gusto yung kinukwento? Ano tuloy ako sa kanila?
Hay ewan. Ewan. Ewan. Ewan.
So yun, ang rami pang umiikot sa ulo ko, hindi na ako nakaisip ng script para sa Filipino presentation namin. Pero okay lang, naisip kong kelangan ko munang isort out yung mga iniisip ko. Tipong "kelangan ko ba talaga bigyang-pansin ito?" mga ganun ba, kasi naman yung iba ang babaw, pinapalaki ko lang sa pamamagitan ng pag-iisip pa nito. Siyempre tuloy-tuloy parin yung mga kasamaan ng mundo sa akin...
Pagdating ko rito, pagod na pagod ako sa swimming. Paano nagsynchro kami instead na maglapping. Siyempre di naman sa nagmamayabang ako pero mas nadadalian ako sa lapping. La naman kasi kaming experience sa synchro...oh well, okay naman yung grade pero sayang...
Tas siyempre gsto ko talaga makausap si orange sa problema ko, pero nag-aaral siya. Pero ayus naman kasi nasabi ko kay pat lahat nung nararamdaman ko. Actually sa kanya ko narealize kung bakit talaga ako nalulungkot. Salamat patty. Salamat sa 'yong oras. Sorry at naabala kita, dapat nag-aaaral ka para sa math midterms mo nung mga oras na yun.
Dapat ipprint ko lang yung Filipino riserts namin but no, nagpprint yung tatay ko. So ako yung nagprint...but no, the fcuking powerpoint wouldn't cooperate with me. Talagang galit yung mundo sa akin kahapon pramis....and to add to that shitness, yung tatay ko pa nagagalit kasi nagsasayang ako ng papel. EH BAKIT? DI KO NAMAN KASALANANG MAGLOKO YUNG PRINTER EH. Oo, nung mga segundo na yun, yung self-esteem ko nagcollapse na. Kaya nung umalis na yung tatay ko sa likod, iniwan ko yung computer [buti nalang nag-appear si kuya dude] at pumasok na sa kwarto ko. Umiyak nalang ako. Di ko na alam gagawin ko eh. Hindi lang yung simpleng iyak ah..as in hagulgol na iyak. I CRIED MYSELF TO SLEEP....kaya pagkagising ko namamaga yung mga mata ko tas sakit ng ulo ko.
Well, crying made me feel better kaya ngayon, tinatahi ko na yung self-esteem ko. Yung emptiness medyo nagfi-fill up na. Pero nalulungkot parin ako....at least di na deep deep deep depression dba?
Sige yun lang. mag-aaral na ako sa intrict. meh quiz raw kahit lam kong di na pwedeng magbigay ng quiz...pero, what the hell, it wouldn't hurt to study dba? at least lumawak pa yung kaalaman ko!
[edit 17:13]
raming gagawin dis week:
-tapusin ang Filipino paper/site
-tapusin ang Filipino presentation-synchro swimming bukas-pagsusulit sa math sa huwebes ba yun o biyernes? wala ng quiz!! hahah bawal na nga kasi magbigay eh.
-pagsusulit sa intrict sa huwebes
-simulan ang Java project
-mag-aral para sa Finals
3 more to go. shit la nang tulugan on friday. mag-aaral lang ako dis weekend.. at least before mag TURKISH GP. hahaha. :p Alam kong mali pero priority ang F1 eh. Pakielam mo ba?!
Jamming to: Taste of Ink ng The Used. Gusto ko ng "The Used" na shirt. hahaha.
Today's mood: nerdy. hahahaha feel ko mag-aral at feel ko rin matulog. Paano na?!