..chaka lang uli nagalaw ang blogger.
Pasyensya na talaga kayo. Ewan, try nio kasing mag-update ng 2 blogs diba? Hahaha...oh well, nagdrama nanaman eh noh?
Kailangang kong pumunta ng LaSalle ngayon para lang ipasa ang
lecheng intrict poster project. Pramis ang hassle noh? Graaaah.
So next term, ang earliest class ko is around 10am at ang latest dismissal ko eh 6pm. Am panget noh? Kaya ngayon, namomoblema ako kung:
1] papasok ako kasabay pa rin si daddy?
2] ayus na yung may sariling driver?
3] magcocommute ako pauwi araw-araw [take note, me saturday classes na ako! kalokohan talagaaaaa]
4] magbboard na ako
Gusto ko na ata talagang magboard. Paano kahapon kasi ubod ng late ako umuwi. Kinulayan lang namin yung ano tao sa poster namin tas umuwi na si Ishka ka'gad. So ako naman, hinihintay ko yung text ng tatay ko kasi sabi ko sakanya i-text niya ako pag-susunduin na nila ako.
Siyempre, dahil super bago ng telepono ko [not], nawalan na siya ng juice. Dead na. O diba, paano ko kaya malalaman kung nandun na sila kung patay na telepono ko dba?! O basta, nagawan ko ng paraan....nalaman kong nandun na yung driver kanina pa kasi di ko siya nasabihan na sabay na sila ng tatay ko papuntang LaSalle. Galing kasi ng telepono ko porebers eh!
Ayun, kanina pa siyang alas-kwatro dun. Eh alas singko y medya na noh. HAHAHAHAHA. Buti nalang super bait nung driver namin, naku kung hindi baka iniwan na niya ako dun! haaaaaahahahaha.
So, hinintay ko yung tatay ko. Tumambay muna sa clinic. Hiniram ang charger ni Ate Ferly [ferly nga ba? pusa 2 beses ko na tinanong pangalan nia, di ko parin maalala]. Tinawagan si Orange. Nakipagchikahan keh Ate Ferly. Ilang minuto lang, dumating na tatay ko dun tas may tinawagan siya kaya nagtagal pa kami. Chinika ko pa ng husto si Ate Ferly... Bait niya! hahaha.
Siyempre, umalis na rin kami after gawin ng tatay ko yung mga kaek-ekan dun. Mga 7 na ata kami nakaalis. Nakipagchikahan ako sa tatay ko. Hahaha. Pramis stressed na kaming dalawa. Nakarating sa bahay ng alas otso. Takte, bawat sofa/kama ata na dinaanan ko eh hinigaan ko. Pagod na pagod na ako! Di pa ako nagddinner at wala pa kaming explanation dun sa poster namin. Pati yung reflection/commitment paper di ko pa rin nagagawa. Crammer talaga eh.
Natapos ko lahat yun ng madaling araw, kasama na dun ang paghihilamos, pagtotootbras at mga ritwal ko sa gabi..
Ganun pala ang feeling pagsasabay ako sa tatay ko papunta't pauwi. Edi goodluck nalang pala sa akin. Makakaaral pa kaya ako pagdating ko ng bahay?
Yun ang sinasabi ko....Kaya parang gusto ko nang mag-dorm[mag-board]... at least lalakarin ko nalang ano!
Ewan, leche ang aga kong nagising. Mamaya pa ako aalis kasi yung pasahan ng poster 11:30am. Yung reflection ni Ishka na kaya Jester, kukunin ko pa. Yung poster namin, wala pang plastic cover. Goodluck nalang talaga. Leche.
1 linggo nalang, FINALS na namin. Wahoooooo! At ang maganda pa rito, 2 subjects lang ang may finals! First day raw namin: Algtrig [math] tas second day namin Intprog!
Pero actually, di pa rin ako solb. Yung intprog project ko di ko parin nasisimulan. Hahaha, sisimulan ko na nga. Babasahin ko kung paano gumamit ng functions at arrays! But first, gagawin ko muna Filipino. Uber delayed na yun. Hahahahah. Katamaran kasi eh..:p
Inaantok pa ako. Tulog pa kaya ako...hehe.
Jamming to: Take me Away ni Christina Vidal at Lindsay Lohan na soundtrack sa Freaky Friday. O...kumpleto! :D
Today's mood: Inaantok. Tinatamad. Nilalamig.