This week was the wackiest this month! hahahaha Grabe, halo-halo talaga!
Nung monday super saya ko dahil walang pasok! Napanood ko yung Canadian Grand Prix ng....uhhh...1am hanggang 3am! tas natulog ako ng mga 430am dahil nagupdate pa ako ng journal blah blah ganun...wahahw BASTA SAYA NUN MONDAY KO!!!! At naging unproductive ako nung monday, naging adobe whore ako ibis na maging nerd...ehehehe
nung tuesday...hyper ako nung umaga tas half a day passed by, parang ang rami ko nang iniisip....thinking what the hell am I doing here? mga ganung bagay....ginugulo ko yung sarili ko....pero nung pagkauwi ko grabeh laughtrip with ORANGE. HAHAHAHA, Grabeh, la akong masabi. Nung mga oras na yun nabuhayan ako. Nakalimutan ko lahat ng problema ko. Naging mababaw yung utak ko kahit sandali at ito'y nagpagaan ng aking pakiramdam....ang saraaaaaaaaaaaaaaap talagang tumawa kahit kelan....
hindi talaga maiiwasan ang balance ano? Am bilis nga lang nung pagkatama ng balance saming 2 ni orange. Nung wednesday talaga sobrang hindi na ako makausap ng matino. Nagblanko nanaman utak ko. Sa sobrang rami kong iniisip nagblanko yung utak ko. Kumbaga sa computer nag-hang yung utak ko. Di ko alam, I WAS DOWN THE WHOLE TIME...at kahit ano pang masasayang thoughts ang iniisip ko, mas lalo lang nagba-blanko ang utak ko. Nakakainis. Ang nagpatawa lang sakin eh nung maalala ko uli yung PYT..hahahah basta looooong storryyyy sobra.
Tas Thursday na. Bilis noh? Grabe, pagkagising ko palang ang giddy ko na. Baket? Di ko rin alam. Iniisip ko nga nung araw na yun kung bakit pero ewan, ganun talaga ang kapalaran ng buhay ko- tinatamaan ng magaganda't masasamang pangyayari ng sunod-sunod ng hindi ko man lang alam kung bakit. Ganun talaga. Oh well, hindi ko naman talaga kailangang malaman kung bakit eh...basta ang alam ko the Lord wants me to have fun while learning what is the real purpose of my life here on earth. Hahaha, napapaisip nanaman ako....hehehe.
Oonga pala, nung thursday at wednesday...bigla ko nalang sinabi na gusto ko na maging female version na kimi. YOU KNOW...not in a very TEENYBOPPER KIND OF WAY...yak ah...please, I'M NOWHERE NEAR THAT. Basta, d ko talaga madescribe. ang weird ko talaga, sa lahat pa ng pipiliin ko si kimi pa diba? ang introvert-looking niya kasi eh...eh nagiging ganun na nga ako eh. Bakit ang tanong nio? DI KO REN ALAM. rami ko pang tanong na hindi ko pa nasasagot. WELL anyway, basta ganun, siguro yung gusto ko talagang makuha from Kimi eh yung pagka-introvertness nia....you know, quiet, alone...and all that JAZZZ...hahaha basta ganuuun hirap i-explaaaiiin!!!
Ngayon Friday na....surprisingly, masaya parin ako!! Nacancel yung lab namen. Labo talaga. Hahahahaha....ayun...
oh at nagkaroon rin ako ng quatro [4.0] sa wakas sa essay! hahahahah!!! Gusto kong ipost yung sinulat ko...hahahahaha kaso ang haba eh....di ko alam kung paano mag-"cut" dito eh...ehehehehe
ayun. saya. meron na rin ako ng malinaw na version ng acoustic na PYT....at UNTIL THEN [erm...you can't have it!hahaha]. WOOO, la na, nakuha na ng fightstar ang soul...este katawan ko. Nasakanila na nga pala yung kaluluwa ko! hahahahaha
Jamming to: Until Then ng Fightstar
Today's mood: hahahah halo-halo eh...gwah...ahaha...
Monday, June 13, 2005
3 linggo palang akong pumapasok gusto ko na uli magbakasyon.
Baket ba kasi kelangang mag-aral ng tuloy-tuloy? Hmmm, alam ko naman kung baket tinatanong ko pa.
Ergh, minsan napaisip ako: sana kinarir ko na talaga ng tuluyan yung pagsswimming ko. Napagod na ata utak ko sa kaaaral. Feeling ko kasi pag naging atleta ka na, d mo na kelangang mag-aral. Wala, iisipin mo lang siguro kung paano ka magf-focus sa pagpanalo mo. Nakakaburyo nang mag-aral.
Biruin mo, 12 taon na akong nag-aaral. Nakakainis. Ang pahinga lang eh 2 buwan kada taon. Bakit ganun?
Tuwing nanonood ako ng F1, iniisip ko na sana tulad nalang ako ng mga drivers dun. Nagmamaneho lang. Pero alam kong hindi simpleng pagmamaneho lang yun, komplikado steering wheel nun. Ang alam ko nga lang dun eh yung water button eh.
Hay, kahit siguro saang sports pa ako mapadpad, kelangan ko paring mag-aral....Aaralin ko parin and mga tamang paraan upang makapaglaro sa sports na yun....
Pero parang mas gusto ko ata yun, wala naman atang atletang nagko-compute ng factors ng binomial o iniisip kung paano gumawa ng matinong flowchart habang naglalaro.
Ewan, siguro kasi gusto ko nang mapag-aralan ng husto ang web design. Ganun lang naman ako kababaw. Nageenjoy ako ng sobra sa paggawa ng mga kung ano-anong bagay sa web. La akong paki-alam kung konti lang suweldo ko...pero hindi naman siguro ako pababayaan ni Lord. God has great plans for me. Kaya toh.
I'll do my best...God will do the rest. Bahala ka na Lord sa buhay ko sa kolehiyo.
Jamming to: Buried a Lie nan Senses Fail
Kimi scribbled down her thoughts @ 2:56 PM
Sunday, June 12, 2005
oh okay...wala lang...tinatamad akong gumawa ng homeworks kaya gumawa nalang ako ng icons para sa LJ..hahahaha as if ang rami kong icon storage!! hahaha mangarap ka lang kimi...hehehehe
kagabi, qualifying at tinulugan ko na yung ending part...paano kasi, an tagal nung commercial eh, nakatulog tuloy ako. Pinakita pa naman ng maraming beses si Jenson tas tinulugan ko lang...kakainis
Sige yun lang ang update ko muna....tutulog na ako para magising ako ng mga 1245am para maabutan ko yung F1 ehehe....
sino meh lyrics nan Why ng Busted? hahahaha d ko makita eh.........:D
haaay.....is it just me o tumataba na si charlie? hehehehe *pics from the cd:uk perf nan pyt* wahahaha
hahaha i'm not complaining..ehehe pero mas gusto ko siya ng mejo slightly slim...hahahahaha!!!!
CHUBBY OR NOT, SEX GOD KA PAREN AND YOU KNOW IT!!!:D
Alex's rectangular glasses is LOOOOOOVE!!!
DIBA DIBA?!?!? WAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!
ahahaha la lang...randomness....gusto ko lang pakita yung LJ layout ko senyo! hahahaha
Jamming to: Why nan Busted pero si Charlie Simpson lang yung kumakanta!/ Juneau nan Funeral for a Friend
Kimi scribbled down her thoughts @ 10:06 PM
Saturday, June 11, 2005
Hay sorry sa mga taong sinusubaybayan ang aking mga kwento...paano, nakakatamad mag-update ng 2 blog. Ngayon nga, tuwing papasok ako chaka nalang ako nakakapagupdate kasi rami na kaagad gnagawa...
or at least ako maraming gnagawa. hahahaha.
Naku, anu na bang nangyayari sa buhay ko? Wala naman...KOLEHIYALA NAMAN LANG AKO. Masaya naman. Okay ang skedjul ko. Swimming ko ay PE at naalala ko nag-grand exit ako nung first swimming class namen- nadulas ako. Yun, nagkapasa ako sa hita. Sakit langya.
Nagquiz na ren kami. Ewan. Siguro ganun talaga ang will ni God sakin. Kahit nag-aral ako ng mabuti, nababagsak ko yung quizzes. Oh well, baka nga ganun, yung mga first quizzes ko muna bagsak tas after nun lahat na perfect! hahahaha.
Ano pa ba? Naadik ako bigla sa The Used. Ganda. La ako masabeh. Ah oonga pala, nakuwi na sila Nikee nung Monday...tas BINILAN NIA AKO NG SPIN MAGAZINE NA MCR YUNG COVER! Lab ko talaga yun! Parang mcdo- Lab ko toh! [asus, humirit nanaman!]
Chaka nga pala, dun sa block namen, an lalakas mantrip ng mga tao! Kumausap ka lang sa lalaki [kung babae ka], kayo na! Nakakatawa talaga... Ayus, kami lang ata ang ganun ka-'lax' eh...hahahaha happy happy joy joy!! Ayun...that sums up my first three weeks in LaSalle. Mukhang kelangan ko na ng laptop para sa isang subject......
Oonga pla, bibilhan RAW ako ng tatay ko ng IPOD. Nagpabili ako sakanya kahapon, eh nasa Malaysia siya eh. Tineks ko nung nasa school ako. Naaliw kasi ako ng husto nung pinaglaruan ko yung IPOD ng kaklase ko...kaso sa sobrang pagkaaliw ko dun, naghang yung IPOD nia. Naku, natakot ako. Shempre d ko naman kayang palitan yun. Eh sabi naman nia nagganun na before...so *whew*...hahahaha
AY GRABEH ANG TAPANG NG CHLORINE SA SWIMMING POOL SA LASALLE...gah,kahit matalsikan ka lang ng konti sa mata, ang sakit na! hahahaha
Hay ayuuuuuuuuuuuuuuun...sige na nga, iuupdate ko na toh. Alternate. kung bukas sa lj, sa isang araw, dito naman!
Namimiss ko nang gumawa ng mga blog layouts! *sigh* hahaha
Jamming to: All that I've Got- The Used
Kimi scribbled down her thoughts @ 1:39 PM