Maganda ang naging araw ko kahapon.
Nakainom rin ako ng Figaro Vanilla Frost sa wakas! Doon kami nag-lunch kahapon pagkatapos magsimba! Yeheyyyy...okay sa olright sa akin yun! Mcdonald's French Fries nalang ang kulang mehn...
at Watermelon Shake.
Napanood ko na yung CSI kahapon. WOOO!! Nakapasa na si Greg! *parteeeeeh* Saya... Although maganda parin kung iisang grupo lang sila. Kakainis talaga yung kalbong yun. Ano nga ba pangalan nun? Ewan, kinalimutan ko na kasi naiinis ako sa kanya!
5 oras kong pinaghirapan yung layout ko. Hindi kasi ako makapili ng picture! Parang ang rami kong pinagpilian eh dadalawang bournewick pics lang ang pinagpilian ko. EH ANG GANDA NUNG DALAWA EH! "Eh baket hindi nlang yung dalawa yung nilagay mo?"
Kasi pagpinagsama ko sila ang weird tignan. Sobrang weird. Mga isang oras at kalahati kong pinagisipan kung paano sila pagsasamahin pero sagwa talaga tignan poreber. So, ayun isa lang.
Pero siguro mga less than 5 hours lang dapat yung pagkaka-ayos ko sa layout kasi inutusan ako bigla ng nanay ko na bumili ng ice cream, cake at coke para sa despidida parteeh nila nikee dahil unang-una, aalis sila at magbabakashon sa Canada at pangalawa, babalik na sila sa bahay nila.
Balik muna tayo sa layout ko. Edi nilagyan ko na ng mga eklavu sa pinaka-main bg pic ko pero there was something MISSING.
Tas biglang nagpop nalang sa brain ko: TEXT. Super simple kasi pag picture lang tas brushes galore lang so kelangan ko ng text na nagpapahiwatig ng: "bournewick true love"....or something like that....so hanap ako ng lyrics. Dapat yung kanta ng The Used na All that I've got kaso yoko maglagay ng mura eh tas yung chorus wala mashadong "Awwwwww" factor eh....
So, punta akong letssingit.com tas hanap ako ng lyrics. Nakalimutan ko na yung una kong tinype na kanta pero obviously, hindi yun yung napili ko. Pangalawa kong tinype waiting game kasi maganda yung kanta na yun ng Swing out Sister eh walang lyrics nun doon....
THEN IT HIT ME- Naalala ko may super gandang kanta si Barry White na parati kong napapakinggan kapag naka-sakay kami sa CRV. Pero hindi ko alam title, basta hinanap ko na lang si Barry White. Tas yun lumabas yung album tas yung magandang kantang yun WALANG LYRICS. Kakainis...so inexplore ko nalang yung song list dun tas bigla kong nakita: "It's Ecstasy when you're laying down next to me"
Ooooooh interesting dba? So, binasa ko yung lyrics and IT WAS PERFECT! WOOOO JACKPOT SOBRA. I love you Barry White, dahil sayo natapos rin ako.
Pero nabitin nanaman ako kasi dumating na sila nikki so simula na ng parteh. Yung border nalang yung kulang tas tapos na ako! So yun....hindi ko pinatay computer pero sinave ko shempre kung hindi....ewan, nabaliw siguro ako.
So, baba na ako tas bgla nalang nag-zoom sa taas si nikki! SO, hindi ko na mashadong pinansin yun. Tas mga after 2 mins ganun, bumaba na si nikki tas may hawak-hawak na pink na messenger bag na esprit tas WHOA GANDA SOBRA! Habang bumababa siya....
Nikki: Kimi, tignan mo o, ganda noh?
Kim: Oo..wow....
Nikki: Well, it's all yours!
WHAT?! ALL MINE?- Yun yung unang pumasok sa brainee ko. Nanlaki ata mata ko eh kasi.... whoa ang ganda nga eh sobrang ganda....
Nikee: Thanks for letting us use your room!
Kim: *fake iyak* OMG...thaaank youuuu soooobraaa *sob sob na fake*
Edi nilapag ko na dun sa may sofa kasi kakain na ganun...
Nikee: Teka, tignan mo muna yung nasa loob!
Kim: Sige...*kuha bag* *hawak zipper* hmmm...mamaya nalang kain muna tayo!
Hahaha.....aba shempre nung sinabi nia yun alam kong may ibang laman na yung bag! So, yun na kainan na. Yellow Cab pizza't manok ang handa. Sarap. Tas yun, kwentuhan blah blah blah......tas shempre, hindi mawawala ang dessert! Nilabas na yung binili naming mango cream pie at ice cream! Wooooo! Sarap.
Tas after nun, nagkwento yung dearest nanay namin [aka, grandmother]. Kaya niya kinwento yung buhay nia para malaman namin ang nangyari sa kanya....at shempre, may moral lesson[s] yun!
At sabi nga ni ate abby sa akin, yung moral lesson raw para sakin eh pag sinabi ng nanay/tatay ko na mag-nursing ako sabihan ko ng: "subukan nio lang!" kasi yung grandmama namin dapat pakakasal na sa isang masipag na tauhan [ata] nila eh....eh 16 years old palang siya noon! skeri dba?
Basta, raming morals: huwag humanap ng pag-ibig sa sayawan [haha], matutong mag-ipon ng pera para hindi kami matulad sa lolo namin at
MAG-ARAL NG MABUTI Seryosohan na to, pagdating dapat ng May23.......todo study na toh. Hindi na ako dapat nagpapaligoy-ligoy. Diyoskopo, tulungan nio ko. Maawa po kayo sakin!
Ayun, after nung talambuhay ng nanay ko, kinuha ko na yung esprit pink bag tas akyat kagad ako tas hinagis ko yung bag sa may sofa bed tas diretso kagad ako sa computer! Gusto ko na kasi matapos yung blogger layout eh! Tanga ko nakalimutan ko nga pala na pinapatingin sa akin yung laman ng bag!
Nikee: Tignan mo na yung laman ng bag! Ako, pag may nagbbgay ng wallet o bag binubuksan ko kagad kasi baka may laman eh
Kim: Oonga noh, nakalimutan ko! Sige... *hawak bag* *bukas bag* *labas mga papel-papel sa loob....lam nio yun? yung parang mga paper sausages sa loob para hindi mawala yung shape ng bag?* *tingin sa mga pockets* *nanlaki mga mata*
Kim: OMG!!!!!!!!!!!!! THE KILLERS!!!
Kung wala lang sila nikee dun nagsisisgaw at nagtatatalon na ako eh! Sobrang tagal ko nang gusto yung CD na yan kaso hindi ako makalabas ng bahay at nung nakalabas naman ako ng bahay, hindi ako nakakita ng kopya! So, magpapapartee na ako dahil meh orig copy na ako. The Rasmus nalang....at My Chemical Romance....at Busted na second album....hahaha marami-rami pa...
Ngayon, inalis na nila Nikee yung mga gamit nila dito. Aalis na sila bukas. Mag-eenroll na ako sa Miyerkules. Magkikita ata kaming barkada sa Royale Place mamaya. D ko pa sure kasi pinag-iisipan ko pa kung matutuloy. Labor day eh, baka sarado yung mga stores. Parang ang hectic ngayong linggong toh. haha.
Since natapos ko na yung layout ko, yung layout naman ni PB ang gagawin ko. Tapos ko na yung kay Burn kaso nakalimutan ko kung anong text ilalagay ko eh.. haha. bobo.
hay. ang init sobra.
Jamming to: All that I've Got ng The Used.
Today's mood: *see unkymood*