Wala lang....
feeling ko ansama sama ngayong araw na'to. First, ang aga-aga kong nagising... hinde ko alam kng bakit maaga ako nagising. Tas pagktapos nun, nagmass kami tas hinde ko alam na ang jolog-jolog ng suot ko kasi mejo lumilipad ung utak ko kasi nga soooOOOoooper inaantok ako! hahahahahaha! Naku, kung may nakakita sa akin, pagtatawanan siguro ako ng malakas! hahahahaha syete.... an sama talaga! Pagdating ko sa bahay, sumakit yung chan ko kaya an tagal ko sa banyo! [hehehehe, darn that pizza last night! pizza nanaman kinain namin nung lunch!]
After ko i-check kung there's something new sa "Friendster", nanuod ako ng CSI tas kinamot ko yung mata ko and it turned bloody red! Feeling ko wala na kong mata... feel ko its covered with blood! Tas, nilagyan ko ng eye drops tas nagviolin ako with one eye closed para kumalat yung gamot sa mata ko. Pagkatapos ng isang oras na nakakangawit na pagtugtog ng violin [at iisang piyesa lang ang tinutugtog ko... dahil hinde ko masundan yung tape... well that's another story..], an sakit paren ng mata ko, feel ko pa rin wala na akong left eye... luckily, dumating yung mommy ko and praised me sa pagtutugtog ko ng violin at sinabing gumagaling na raw ako! [hahahaha!] tas napansin nya na nakapikit yung mata ko tas sinabi ko na masakit yung mata ko. Since my mom is an optalmologist, tinignan nya yung "bloody" left eye ko tas sabi nya namamaga yung mata ko and warned me for the last time na: "wag na wag mong kakamutin yung mata mo!" Aion, nilagyan niya ng ibang klaseng eye drops and closed my eye for another hour and i feel much better now. Pero namumula parin. Sinisisi ko yung allergies ko na namana ko sa tatay ko. Lahat ata namana ko sa tatay ko: asthma, allergicrhinitis, sungking ngipin [same tooth and same side] yung shape ng big toe namin, yung nose bridge namin, yung mukha [girl version raw ako ng tatay ko] eyes and yellow teeth! Kaasar, hinde ko nakuha ang katalinuhan nya sa chemistry! heheheh... well, we still have our differences like I'm a good swimmer/athlete/violinist [kinakareer na!]! Hinde makasabay yung tatay ko sa technology. He doesn't even know how to send emails or use the internet for crying out loud! Ginagamit lang nya yung computer kapag maglalaro ng freecell at microsoft powerpoint. Ang rami rami nyang high tech stuff-> laptop, palmtop, digi cam [yan lang ata ang nagagamit nya ng matino!... pati rin pala yung laptop!], dvd player... ang rami! Yung palmtop nya binigay nalang nya sa akin pero natanggal lahat ng games kaya nakastore lang jan! Kabibili pa lang nya ng 2 maliit na digi cam pero meron pa naman shang isa pang digi cam na pwedeng gamitin! even his cellphone has a built-in-camera so 4 na yung digi cams nya! hehehehe bumili sha ng isa pang dvd player kasi kala nya sira na yung isa so 3 dvd players yung nandto sa bahay... hay naku... gastador talaga yang tatay ko... pero ok lang, love ko pa ren sha!
Aion... sana bumili si daddy ng maliit na video cam at sana pagsawaan nya para saakin mapadpad yun.... yun ang wish ko eh! hehehehe, pangarap kong magkaroon ng video cam na maliit... hehehe, nag-iipon na nga ako eh! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAaaaaaaark cough cough!
hehehe, arooo... pusaaaaa.... watever....:)
*woooo-paaah! Take a break once in a while... Matagal pa ba ang Austrailan Grand Prix? Pusaaa.... KIMI!!!!!!!!!! Miss na kitaaaa! hahahahaha!
Quote of the day: "Gumagaling na yung anak ko sa violin a!" [my mom]
Food of the day: Pizza... ewan.. food of the week ata to eh!
Color of the day: Red...for my bloody red eyes
Expression of the day:hahahahahahaha...pusaaaaaa
Happiness Rate [1-10] today: 7... my left eye was cursed... hehehehe:)