<<>>
Isang tanong sa inyong lahat: Bakit may interaction ang all-girls/boys school?
hahahaha.. joke only...
Kakainteraction lang namin! hawhaw de carabao de batuten. Ayyyy nako, masarap sumulat ng mga naoobserbahan ko after/before at DURING ng interaction.... hahahahah!
before muna:
1)ewan ko lang kung sa mga lalaki naeexcite sila pero sa all girls, lahat ng tao mag-aayos ng buhok. Sobrang ayos na wala kang makikitang hinde naka clip! ang galing noh? hahaha
2)walang sawa ang pagpraktis ng ipperform sa interaction mismo. Inaayusan rin ng maganda ang venue. Shempre, para heart-warming deba? heheheheh
3)siguro yung iba deep down inside their hearts, kinikilig. Kasi naiimagine na nila na may class cutie! Hinde naman mawawala ang class cutie deba? Harharhar!
4)Hinde na nakikinig sa teacher habang naglelesson. Lumilipad na yung utak eh.. hahahahah!
During the interaction:
1)Tahimik. Kala mo may 1000000000000000 na anghel na dumaraan sa harapan mo! Ang nagsasalita lang e yung guidance councillor or yung mga class officers!
2)Pag may nakaupo na sa tabi mo, automatic to: Anong pangalan mo? Shempre... DUH! hahahahahahahahahah!
3)Nagiging giraffe yung mga tao...humahaba yung leeg eh. Hinahanap ang mga class cuties no doubt...
4)Pag nakita na ang class cutie, ayaw mo nang kausapin yung katabi mo kasi gusto mong katabi eh yung class cutie.
5)Hinde mawawala ang human bingo sa interaction. ewan ko nga ba kung bakit human bingo, ang rami naman jang laro deba? Trip to Jerusalem...HAHAHAHAHA!
6)Pag nag group activity, sigurado yan.... tinatawag ang lahat ng santo para lang ihingi ang kanilang gusto: Maging ka-group yung class cutie.
7)Pag kumakain na kayo at lahat ng lalaki ay nasa labas... [halos] sigurado yan, lalapitan yung babaeng nakapartner yung class cutie at maraming itatanong yan sa yo... maniwala kayo sakin.... yung partner ko considered as class cutie...or heartthrob...or something. Basta....
8)Pagkainan na ren, tahimik... shempre sarap kumain eh... hahahahah!
7)Pag may group activity, hinde maiiwasan na may makikita kang hinde mo sinasadyang makita... take it from me, 2 beses nang nangyari sa akin yan eh! hahahaha!
10)Bago umalis, hinde rin maiiwasan ang kunin ang number ng partner mo... para maycontact ka deba? pero ako...? Hinde ko kinuha... HAHAHAHAHA!
11)Parating may graffiti board... lahat magssign dun... I swear, kahit pangalan lang ang malagay dun kasi 1/8 lang ang gamit na illustration board eh. Kahit nga smiley face, ipagpipilitan pa eh, basta makasulat dun!
After ng interaction:
1)Pag wala na sila sa venue place, sigurado, mag-uusap usap ang mga tao about dun sa katabi mo or partner. At ang unang itatanong sa yo ay: Nakuha mo yung number ni _____?
2)May maaasar dun sa taong nakatabi or nakapartner ang class cutie or ang kanilang crush. Hinde mawawala yan! Kulang na lang ihagis ka na sa bintana eh.
3)Pagdating sa classroom, sisigaw at kikiligin ang mga tao. OO lalu na yung mga taong an lakas ng tama sa kanila nung "crush" or di kaya'y class cutie [usually kasi yung class cutie ang may pinakamaraming admirers...].
4)Eto, certified 'to! Hinde naging masaya at exciting ang interaction nyo pag hinde kayo pinagalitan ng teacher. Oo.. teacher. Maingay kasi sa loob ng classroom eh. Pagnagsalita ang teacher, walang papansin dun kasi nasa isip mo pa yung heavenly face ng crush mo! Sa amin nga naglesson pa kaso napilitan kami kasi may quiz afterwards pero shempre, bakas pa ren sa mga tao ang mahiwagang interaction.
Masaya ang interaction... totoo. Alam ko na yung ibang tao ipinagdarasal na magkaroon ng 2nd interaction... okei yun, walang classes! hahahahahaha!
Yung partner ko...maraming nagkakacrush dun, sana nga nakipagpalit na lang ako ng kaluluwa, para hinde ako nasabunutan after nung interaction. Yung iba super obssessd dun kinuha pa yung souvenir na ibinigay sa akin nung partner ko. Inagaw nga eh, pero ok lang... as if it makes any difference.. kahit hinawakan nya yun mas marami akong fingerprints dun kaysa sa kanya. HAHAHAHAHA! Pero mabait sya kaso pa-cute [kung mabasa man nya to.. no offense pero... MABAIT KA TALAGA! HAHAHAH! sipsip ba?:)]. Oh well, basta iisa lang ang sinabi ko sa mga tao tungkol sa kanya: Mabait sha....
Mabait nga ba o guni-guni ko lang yun? Hinde ko kasi sha mashadong nakausap kasi may PMS ako... Pre Menstral Syndrome! Harharhar sensha na sa kanya!
So aion... kung gusto nyong malaman kung sino sha... sabihin nyo lang sa akin...
byebye... that's it...
*Take a break people of the world! hahahahahah Wooooo-Paaaaaah!
<<>>
Quote of the day: "Mabait ba SIYA?" [classmates na maycrush sa KANYA]
Food of the day: Chicken Nuggets
Color of the day: Green.. hahahah La Salle! harharhar! pero seriously, ang rami kong nakitang kulay green ngayon...
Expression of the day: hahahahahah!
<<>>
Date of Interaction- third year: November 18, 2003
Class ng Kainteraction namen: 2D-- ule... pero La Salle naman
Class cuties: 2 sila...[according to III-Katarungan] you wanna know? txt nio ko! hahahaha! :) harharhar!
Happiness rate ng Katarungan-> November 18`03-> scale of 1-10: 10.5! Masaya lahat ng tao!
Wednesday, November 12, 2003
wednesday na naman... am bilis bilis talaga ng panahon. Hinde namin alam kung anong project ang sisimulan namin sa sobrang rami! hahahahaha!
Grabe na ito... ang rami talagang projects.... sana nga matapos na ang 3rd quarter... sana nga!
friendster.. friendster... haaaaaaaay wala namang gumagwa ng testi sa akin pero ok lang... heeheehee
Ang saya pala panoorin ang tennis! hahahahaha nakakabaliw. Galing nilang magserve at... well mag-tennis. sana nga ganun ako kagaling ano? hahahahahah!
Nanood kami uli ng Count of Monte Cristo: SOBRANG GANDA TALAGA nung movie na yun! Grabe! Ang ganda ng storya! sana ganun ako kayaman tulad ni Edmond Dantes. Wish ko lang makakita rin ako ng 8 or more na treasure chests na punong puno ng gold! hehehehehe, titira ako sa Europe! sa Switzerland! sa France! sa Rome! sa Greece! hahahahahahah. pero shempre sa panaginip ko lang yun diba? hehehehe. I swear, ang ganda talaga nitong movie na ito: I recommend this movie for those who love movies!
Kapapanood ko pa lang ng The Gladiator! GRABE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang ganda nun movie na yun!!!! ngayon ko lang na-appreciate kasi katatapos lang namin sa Roman Empire eh... sa mga taong hinde pa napapanood yun, ay sus sinasabi ko sainyo... hinde mabubuo ang buhay mo nang hinde mo yun makikita!
Scorpion King ren ang ganda... speaking of scorpion king, napanood ko rin yung The Rundown. Ang ganda ng storya although malabo yung kopya ng dvd! hehehehe GRABE, ang ganda ng katawan ni Seann William Scott. Speaking of Seann William Scott, kamukha raw nya si Andy Roddick na tennis player [na magaling talaga] na boyfriend ni Mandy Moore. By the way, pupunta rito si Mandy Moore sa November 21 kasi magcoconcert sha. Pupunta rin kaya dito si Roddick? Hihingi ako ng autograph. Anyways, may concert den dito si Mariah Carey na obviously hinde ako pupunta kasi ayaw ko sa kanya. Oo nga pala, pupunta rin dito at magcoconcert yung A.S.O.S- yung banda ni Barbie sa MG, Si Vic at si Jerry sa November 29, pero guests lang sila. Marami sigurong pupunta katulad nung sa Stars and Cars na organized by Mercedes-Benz na 40,000 fans ang pumunta para makita yung McLaren Drivers nung November 8 na naalala ko na isa sa mga McLaren Drivers na si Kimi Raikkonen ay pumunta sa Las Vegas para sa isang conference with Michelin na bigla kong naalala ang Limo Car na sinakyan namin sa Las Veags na kinuhanan pa kami ng picture sa loob ng car na yung picture na yun nakalagay sa Friendster! Wow... related pala lahat ng bagay noh? hahahahaha!
o, marami na akong nakwento ah! sa susunod na kabanata... irerelate ko ulit ang mga nalalaman ko! heheheh
<<>>
Quote of the day: "Stuff'a'lots na lang yung ngalan ng business naten" [Joma] hahaha patok pa ren sa akin!
Food of the day: Chiz Stix.. charap!
Color of the day: Green.. i see a lot of green today!
Expression of the day: yung weird kong tawa! hahahahahah!
"I Love" thing/event/watever of the week: Tennis Master Series on Star Spots!
Most Anticipated event next year: Austrailan Grand Prix!
**Take a break people of the Philippines.. and the rest of the world too!
Kimi scribbled down her thoughts @ 8:37 PM
Friday, November 07, 2003
shempre, friday na naman...
Msaya ang araw na ito! Sobra... nyahahahahaha
First time kong makakuha ng perfect quiz sa pinoi! Nyahahahahahahaha Lucky day talagaaaa! Woo-hoo!
At dahil friday ngayon........
marami akong gagawin! SObra sobra ang gagawin ko! heehee....
Actually, wala ako mashadong ikkwnto. Mababa ako sa Journ at Computer test. Pasang-awa. Hinde ako nag-aral eh. Bobo ko talaga... "Hunghang" hehehehe.
Napagbintangan pa ako na tumae sa cubicle. Samaaaaa! Hinde ako tumae noh! Puh-lease. May phobia akong tumae sa cubicle sa school eh! NEVER pang nangyari yung tumae ako sa cubicle sa school. Stoopid ko kasi, pinatong ko yung paa ko sa toilet kasi nanggati yung legs ko, hehehe akala ako yung tumae. Nakita tuloy yung sapatos ko. WRONG MOVE! Wahahahahahaha! Waw...
Well, kuhanan na ng cards next week. Hope wala akong line of 7. Well, Im an optimist kaya WALA AKONG LINE OF 7! That's it case closed!
Tagal pa ng Austrailian Grand Prix! wekwekwek... okei lang... patience is a virtue! neknek... hinde na ako makatiis! WHAHAHAHAHAHAHA!!
Malapit na kaming mag fourth year...AM BILIS NG PANAHON! WHAW!Ohwell...
Kimi Raikkonen: Belated Happy Birthday! Ang tagal na nung berday nya ha! nyahahahahahahahah!
hrrrrrm... well, yun... wala na akong masulat. Gusto ko na mag-pasko!
>><
Quote of the day: "Bato-bato pik tayo, kung nanalo ka, magde-date ako sa prom!"--> Lily
Food of the day: Lasagna! Lasagna! YUMMMMMM!!!
Color of the day: white, naka-gala uniform kami eh
Expression of the day: "nyahahahah" at "Ow?"
Annoying person of the day: Lily and her bato-bato pik game.. hahahah!
Kimi scribbled down her thoughts @ 5:46 PM
Tuesday, November 04, 2003
sem break na! Well actually, last day na ng sem break kaya nagpapakababad ako sa computer!
marami rami ang nalalaman ko ngayong araw na ito... Marami! isa na rito ang tv! Anong nalaman ko? Na hinde ko mabitawan ang remote control hanggang hinde ako nakakakita ng magandang palabas sa tv. Im getting obssessed with it! Can't get enough! I need a doctor! Obssession is a very bad thing, look what happened to me! NOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!
Isa pa sa natutunan ko ay hinde buo ang araw ko kung hinde ako nagbukas ng computer. Kahit may saket ako, kahit may project akong hinahabol, kahit kailangan kong mag-aral para sa periodical test namen, binubuksan ko ang computer kahet hinde naman importante! nyahahahahaha kailangan kong bawas-bawasan ang pagcomputer dahil nakakawala ito ng brain cells.
Nalaman ko ren na ang bawat tao ay may sari-sariling pangyayare sa buhay na hinde natin makalimutan na gusto natin ipamahagi sa buong mundo! Parang si bob ong. Nakakatuwa basahin yung mga libro niya kasi tungkol yun sa mga karanasan nya na hinde makakalimutan [not to mention really funny!].
Nalaman ko ren na pag-athlete ka.... kailangan may sarili kang diet kahet ba F1 driver ka lang. Kahit siguro professional skateboarder ka kaialangan may diet ka pa ren. Nyahahahahahahahahaha. Masaya rin pala maging isang ordinaryong tao!
Nalaman ko ren na pag-athlete ka, may libre kang damit at kung ano ano! Lahat siguro ng suot mo sponsored. Hinde mo na kailangang bayaran. Masaya rin pala maging athlete! Sige na nga, itutuloy ko yung swimming ko or better yet... magttennis na lang ako! Nyahahahahahahahah! Watch out Williams' sisters! Nyahahahahahahahahahah JOKE3! Yabang!
So araw na ito, marami akong natutunan. Okei, hanggang dito na lang, magpapakasaya na ako dahil last day na ng sem break... nyahahahaha paulit-ulit lang yung sinasabi ko!
>>Take a break people of the universe!
Quote of the day: "O? Nasaan na yung bag ko?.. Nge, anjan pala! tumatanda na ata ako!" [mommy] nyahahaha
Food of the day: Apple [thanks to McLaren.com! nyahahah!]
Color of the day: orange... no red!
Expression of the day: NYahahahahahahah [nyahahaa!]
A must see website: McLaren.com--> para lang sa Formula one fans! nyahahahahaha! **Bee happeee!**
Kimi scribbled down her thoughts @ 11:47 AM